7.11.2007

Glutaphos vs. Extra Joss

THIS WEEK: Napurga sa sausage-stuffed


Hulyo 9 LuneS

Hindi pala 30 antibiotics, kundi 35. At dahil tinulugan ko lang ang Pharma, 26/35 ako sa antibiotics. Sa dinami-dami ng antibiotics, talagang 'di nag-aral ang mababa ang score sa test na 'yon.

Dalawang term na lang, (thank you Lord!) tapos na ang Literature. Pero naaawa din ako sa "teacher" namin sa Lit (hehehe). Aw last subject eh, sorry siya! Ako naman, (buti na lang nasa likod ako), panay reklamo. "Haler miss, 5:30 na! Dismiss na no!" Inaamin ko hirap talaga ako sa Lit kaya ayaw ko nun. <--'Yun 'yun e! Debut pala ng seatmate ko [July 9]. Hindi ako inimbita. Napakasaklap. Tiga-"bayan" daw ako?! Mga tiga-Nix at dormbuilt lang ang tinext. Sabi ko nga, "Hoy 3 minutes away lang ako!" 'Di bale, hindi rin naman ako makakapunta. May training. Pero hindi ko na siya bibigyan ng paper. Wehehe. Hoy maligayang kaarawan, pagkatapos akong pitik-pitikin, at suntukin, tsk3.

Hulyo 10 MarteS
May libreng yellow pad pag naka-perfect score sa test ni Sir. Ngayon lang ako nakarinig nun.

May libreng torniquet kay Ma'am pag sa kanya naman naka-perfect. Ano'ng klaseng motivation ang mga ito?

Pero ganun pa man, wala akong pINerfect na exam.

Hulyo 11 MiyerkuleS
Ngayon yan. Tapos na ang Pain & Surgery. Shet, may natutunan ba ako? Buti na lang at hindi natuloy ang unit test ngayon kundi, mababa nanaman grade ko dun.

Wala ngang 150-item unit test, pero meron namang 35 na immunologic agents, aw. Dahil hindi ako nag-cram at nagbasa ako ng nagbasa, sosyal. 42 ang naisulat ko. Sana bigyan ako ng torniquet!!! Haha. Kung baga sa pre-school, may stars na stamp sa kamay. 'Yun nga lang, sa sarili ko lang 'yun. Alangan naman ipakita ko pa sa nanay at tatay ko.

Bad trip yung isang test. 17/25, ok na yun kmpara sa mga 8, 12, etc. Ba't ba kasi nauso pa ang mga vesicant anti-infectives na 'yan? Masakit na nga sa patient. Masakit pa ulo ko.

Ngayon lang din 'to.
Naisip ko..at madamdaming pag-iisip.. Bakit may mga taong nakakainis pero wala namang ginagawa sa'yo? Sobra talaga. Pero hindi lang
pala ako. Baka nga naman meron talaga siyang ginagawang hindi kaaya-aya. Try ko na lang baguhin ang pag-iisip ko kasi bad yun e. Tatahimik na lang ako.. Pero "deep inside", "Hey you! Yes, you! Mag-ahit ka ng kilay!"


Bwahahahaha. Shet, karma ito!!!

No comments: